Mga bagong barya na inilabas ng BSP, maari nang magamit sa ticket vending machines ng Light Rail Transit sa susunod na taon

Manila, Philippines – Maari nang gamitin sa susunod na taon ang mga bagong baryang inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa ticket vending machines ng Light Rail Transit (LRT) line 1.

Ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC), sinimulan na ang reconfiguration sa mga vending machine para sa pagpo-proseso ng mga bagong disensyo ng mga barya.

Aabutin ng tatlong buwan ang proseso nito na isasagawa pa sa Germany.


Pinapayuhan ang mga biyahero na suriing mabuti ang mga limang pisong barya para hindi maabala ngayong Christmas season.

Facebook Comments