MGA BAGONG BAYARIN SA PAG-QUARRY SA LOOB NG PANGASINAN, IPINATUPAD; GOBERNADOR NAGBABALA SA MGA OPERATORS NA MAGBAYAD NA TAMA

Naglabas ngayon ng babala si Gov. Ramon Guico III sa mga quarry operator sa lalawigan ng Pangasinan na hindi sila maaaring mag-operate sa lalawigan kung ayaw nilang bayaran ang mga bagong buwis at bayarin na ipinapataw at inilabas kaugnay sa quarrying.
“Kung hindi sang-ayon sa mga bagong bayarin at patuloy na magrereklamo, huwag nang mag-quarry dito sa Pangasinan. Pumunta sa ibang probinsya. At huwag sirain ang mga kalsada, tulay, at kabundukan dito sa Pangasinan,” ito ang pahayag ng gobernador sa mga quarry operators sa probinsya.
Sa ilalim ng ordinansa na ipinasa at inaprubahan noong nakaraang taon ng Sangguniang Panlalawigan isang provincial tax ordinance na nag-amyenda sa 11-year-old Revenue Code ng lalawigan at itinaas ang mineral extraction fees mula P16 per cubic meter (cu.m.) hanggang P50 per cu. m. na.

Ang naturang ordinansa ay epektibo noong nakaraang buwan, kung saan nagpataw din ng administrative fees mula P50 per cu. m. sa P250 per cu. m., depende sa dami ng mga mineral gaya ng buhangin, lupa o bato na na-load o naikarga sa trak.
Ayon pa sa ordinasa kailangan o required na magbayad ang mga operators ng nasa cash bond na P100,000 bago magbigay ng permit para matiyak na susunod ang mga ito sa obligasyong ito. Kung hindi, ang bond ay mawawala at hindi na sila bibigyan ng quarry permit sa hinaharap.
Sinabi pa ng gobernador na ang administrative fees na makokolekta ay para sa pagbili ng mga kagamitan at gadgets para sa remote monitoring ng quarry sites.
At dapat aniya malaman kung ilang trak ang pumupunta sa mga quarry sites para malaman ang kanilang mga babayaran.
Aniya, ang road maintenance fee ay gagamitin sa pagsasaayos ng mga provincial roads at tulay na dinadaanan ng mga hauling truck na nasisira dahil umano sa kanila. |ifmnews
Facebook Comments