Mga bagong big bike ng PNP, gagamitin sa paglaban sa riding-in-tandem criminals

137

Makakatulong ng malaki sa Philippine National Police (PNP) ang 90 mga bagong biling 1,000cc motorcycles para masawata ang mga riding -in- tandem criminal.

Ito ang sinabi ni PNP Chief General Camilo Cascolan, matapos na iprisinta sa kaniya kahapon ang mga bagong biling motor sa Camp Crame na bahagi ng 559 milyong pisong halaga ng equipment at mobility assets na binili ng PNP.


Maliban sa mga motorsiklo, kasama sa mga bagong kagamitan ng PNP ang 92 units patrol jeep single cab, 6 units 4×4 personnel carrier, 7,700 units Galil Ace 5.56mm basic assault rifle and 434 units digital handheld radio.

Ang hakbang na ito ng PNP ay bilang pagsunod sa kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte na tapusin na ang mga riding- in- tandem crimes sa bansa.

Facebook Comments