Naka-deploy na ngayon ang mga bagong biling truck ng Philippine National Police (PNP) na gagamitin para sa 30th SEA Games.
Ayon kay PNP Spokesman B/Gen. Bernard Banac, katulad ng unang direktiba ni PNP OIC Lt. Gen Archie Gamboa, sa SEA Games muna ipagagamit ang mga sasakyan bago man ito ipamahagi sa iba at ibang regional police unit.
Gagamitin aniya 34 na utility truck para sa mobilization o pag-byahe lalo na sa deployment ng mga pulis na magbibigay seguridad sa sporting event.
Maliban sa utility trucks, gagamitin din para sa palaro ang nasa 21 EOD/K9 patrol vehicles.
Naka-stand by na rin ang mga helicopters na maaring gamitin kung kinakailangan.
Nitong nakalipas na linggo lang ay ibinida ng PNP ang 3.9 billion pesos ng mga bago nilang kagamitan na bahagi ng kanilang modernization program.