Dumating na sa Dagupan Metropolitan Cathedral of St. John the Evangelist ang bagong Carillon Bells na magiging bahagi ng liturhiya at tradisyon ng simbahan.
Ang mga kampana, na yari sa metal at bronze, ay itinuturing na makabuluhang karagdagan sa katedral at gagamitin upang tumawag sa mga mananampalataya sa pagdarasal, magmarka ng mahahalagang okasyon, at magsilbing simbolo ng pananampalatayang Kristiyano sa lungsod.
Inaasahang lalo nitong mapatatag ang espiritwal na ugnayan ng komunidad at magbibigay ng mas makahulugang paraan ng paggunita sa mga kaganapan sa simbahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










