Hinimok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang mga bagong itinalagang chiefs of mission at ambassador na maghanap ng “non-traditional” na mga partner sa kalakalan at seguridad.
Ginawa ng pangulo ang paghikayat sa mga ito sa ginawang pakikipagpulong nito kahapon sa Malacañang.
Sa pagpupulong, binigyang diin ng pangulo na sa kasalukuyang global situation dahil sa pandemic economy kailangang sumabay ng Pilipinas sa pagbabago upang hindi mapag-iwanan.
Punto pa ng pangulo, nanatili ang kanyang administrasyon sa pagiging neutral pagdating sa foreign policy, at hindi makikipag-argumento sa anumang pananaw nang ibang mga bansa.
Hinimok rin ng pangulo ang envoys na mag-explore at talakayin sa kanya ang ilan sa mga oportunidad na sa kalaunay magbebenepisyo ang mga Pilipino.
Una nang inihayag ng Marcos administration na prayoridad nila ang pagganda ng agrikultura, enerhiya at lahat ng infrastructure development.