Halos pitong porsyento lang ng mga sample sa COVID-19 cases sa bansa ang nakitaan ng United Kingdom, South African at Brazil variant.
Ayon kay Department of Health (DOH)-Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea de Guzman, maliit na bahagi lang ito base ito sa ginawa nilang sequencing mula sa samples ng mga nagpositibo sa COVID-19.
Aniya, kapag lumagpas na ito sa 50 o 60 percent ay magreresulta ito ng halos 28 beses na pagtaas ng kaso sa bansa.
Sa kabila nito, iginiit ni De Guzman na kung maaari ay mapigilan na hangga’t maaga ang pagkalat ng mga bagong variant.
Ang pinakamabisa pa rin aniyang paraan ay ang pagsunod sa minimum health protocol gaya ng tamang pagsuot ng face mask at face shield at pagsunod sa social distancing.
Facebook Comments