
Isinagawa ang New Employee Orientation Seminar bilang bahagi ng Alaminos City Onboarding of New Employees (ACONE) Program ng Lokal na Pamahalaan.
Layunin ng programa na maihanda ang mga bagong kawani sa kanilang bagong tungkulin sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kanilang kaalaman tungkol sa serbisyo publiko, mga halagang dapat isabuhay, at responsibilidad na kaakibat ng kanilang posisyon.
Pinangunahan ng mga HR practitioners ang talakayan tungkol sa misyon, bisyon, at mga adhikaing isinusulong ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ng alkalde. Tinalakay din ang mahahalagang alituntunin, tungkulin, at pamantayan ng trabaho upang mas maging malinaw sa mga bagong empleyado ang kanilang papel sa pagbibigay-serbisyo sa mamamayan.
Bilang bahagi ng programa, isinagawa ang ilang interactive workshops kung saan nagkaroon ng aktibong palitan ng kaalaman at karanasan ang mga dumalo. Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, mas naunawaan nila ang mahahalagang impormasyon at mas napalalim ang kanilang pag-unawa sa kultura at direksyong tinatahak ng lokal na pamahalaan.
Sa kabuuan, layunin ng ACONE Program na masiguro na ang bawat bagong kawani ay mahusay na naipapakilala sa mga proseso, prinsipyo, at kultura ng paglilingkod sa Lungsod ng Alaminos—isang mahalagang hakbang tungo sa mas mahusay at makabuluhang serbisyo publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









