Mga bagong galing sa COVID-19 sa PNP, umabot na sa 400

45

Mas dumami na ang bilang ng mga bagong gumagaling sa COVID-19 sa Philippine National Police (PNP) kumpara sa mga bagong nagkakasakit.

Sa nakalipas na pitong araw, unti-unting bumaba ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP.

Batay sa tala ng PNP Health Service, 444 ang mga bagong gumaling habang 158 ang mga bagong nagkasakit.


Samantala, wala namang nadagdag sa mga nasawi kaya nananatili ang bilang nito sa 126.

Sa ngayon, 2, 730 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP.

Facebook Comments