
Pormal na pinasinayaan kahapon ang bagong tayong PNP Standard Police Station Building ng Malasiqui at Calasiao Police Station bilang bahagi ng pagpapalakas ng operasyon ng pulisya at pagpapanatili ng kaligtasan sa komunidad.
Sa isinagawang seremonya, nagbigay ng mensahe ang mga Officer-in-Charge ng dalawang himpilan ng pulisya kasama ang mga alkalde ng Malasiqui at Calasiao. Ipinahayag nila ang kanilang pasasalamat sa patuloy na magandang ugnayan at pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng Philippine National Police.
Ayon sa Pangasinan Police Provincial Office, ang bagong police station ay magsisilbing mahalagang pundasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Malasiqui at Calasiao. Pinagtibay rin ng PPO ang kanilang pangakong maghatid ng maayos, tapat, at makataong serbisyo sa publiko.
Inaasahan na ang mga bagong pasilidad ay makatutulong sa mas maayos na operasyon ng pulisya, mas mabilis at episyenteng serbisyo, at mas komportableng lugar para sa mga transaksyon ng mamamayan.
Dumalo rin sa okasyon ang Regional Director ng Police Regional Office 1 at ang Provincial Director ng Pangasinan PPO na nagbigay-diin na ang mga bagong gusali ay hindi lamang pisikal na istruktura, kundi simbolo ng panibagong dedikasyon sa integridad, serbisyong publiko, at pangangalaga sa kapakanan ng mga mamamayan ng Malasiqui at Calasiao.
Nagtapos ang programa sa isang salu-salo at simpleng pagsasalo bilang tanda ng pagkakaisa at patuloy na kooperasyon ng mga dumalo.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at inihahanda ang kaukulang mga kaso laban sa suspek.









