Mga bagong kaso ng COVID-19 pagsapit ng Setyembre, hindi na papalo sa 30,000 – OCTA

Hindi nakikita ng OCTA Research Team na papalo sa 30, 000 ang mga bagong kaso ng COVID-19 na maitatala sa bansa kada araw pagpasok ng buwan ng Setyembre.

Pahayag ito ni Dr. Guido David, kasunod ng una nang sinabi ng OCTA na posibleng pumalo sa 20, 000 ang mga bagong COVID-19 cases na maitatala kada araw sa susunod na buwan, sa gitna na rin ng presensya ng Delta variant sa bansa.

Gayunpaman, sa Laging Handa public press briefing, nilinaw ni Dr. David na bagama’t mayroong ilan na nagsasabing aabot sa 30, 000 cases per day ang posibleng maitala sa susunod na buwan, hindi pa aniya nila ito nakikita sa kanilang projection.


Una na ring sinabi ng OCTA na sa kalagitnaan ng Setyembre, inaasahan ang downward trend sa hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila.

Ang kailangan aniyang gawin sa kasalukuyan upang mapigilan ang pagtaas pa ng numerong ito ay ang implementasyon pa rin ng mga community quarantine at mahigpit na pagsunod sa health protocols upang makaiwas na magawa sa COVID-19.

Facebook Comments