Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na bumababa na ang mga bagong kaso ng Omicron subvariants.
Ito’y bagama’t may ilang lugar pa sa Luzon ang patuloy na nakakapagtala ng pagtaas sa kaso ng COVID-19.
Ngayong araw na ito ay mahigit isang daan na lamang ang bagong kaso ng Omicron subvariants ang naitala ng DOH.
95 dito ay bagong kaso ng BA.5 habang 7 ang BA.4, 2 lamang ang BA.2.12.1 at karamihan sa kanila ay pawang gumaling na.
Kinumpirma rin ni DOH Officer-In-Charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na nananatili sa low-risk classification ang buong bansa.
Ito ay bagama’t nasa moderate risk naman ang National Capital Region (NCR) at Cordillera Administrative Region (CAR).
Facebook Comments