Ipinanawagan ni Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Isagani Zarate na busisiin ang mga kasunduang lalagdaan ng Pilipinas sa pagtungo ni Pangulong Duterte sa China.
Giit ng kongresista, hindi dapat makompromiso at malagay sa alanganin ang bansa sa mga kasunduang pinapasok sa China.
Kabilang sa mga inaasahang lalagdaan ay official development assistance, education, anti-corruption at drug rehabilitation.
Duda din si Zarate sa pahayag ni Chinese Charge d’Affaires Ad Interim Tan Qingsheng na walang hidden agenda sa agreements na papasukin ng Pilipinas at China.
Mayroon aniyang mga probisyon sa lalagdaang kasunduan na hindi nakasaad sa loan agreements ng ibang mga bansa.
May confidentiality clause na isinama ang China sa agreements na nagpapatunay lamang na may hidden agenda ang dalawang bansa at napilitan lamang ang Department of Finance na isapubliko nang mabunyag na ang disadvantageous deals.