Mga bagong kuhang contact tracers ng DILG para sa Quezon City, sumailalim na sa orientation

Sumailalim na sa orientation ang unang batch ng newly-hired contact tracers na itinalaga ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Quezon City.

Nangako si Quezon City Mayor Joy Belmonte na ibibigay nito ang lahat ng kanilang pangangailangan upang mas mabuti nilang magampanan ang kanilang trabaho.

Lubos na kinilala ng alkalde ang mga contact tracers dahil sa kanilang dedikasyon sa pagganap sa kanilang tungkulin ngayong may pandemya.


Sa kasalukuyan, nakapag-hire na ang DILG ng 700 contact tracers para sa QC.

Isa lamang ang lungsod sa mga LGUs sa buong bansa na dadagdagan ng DILG ng mga contact tracers para makatulong sa paghahanap ng close contact ng mga nagpositibo sa COVID-19.

Base sa huling datos ng DILG, higit na sa 26,872 contact tracers ang kanilang tinanggap at ipinadala na sa iba’t ibang LGU sa buong bansa.

Bahagi ito sa karagdagang 50 libong contact tracers na target na ma-hire ng DILG.

Facebook Comments