
Binuo na 12 mga bagong uupo na kinatawan ng Commission on Appointments (CA) sa Senado matapos ang naging pagpapalit ng liderato noong Lunes.
Pito sa mga bagong myembro ng CA ang mula sa mayorya na kinabibilangan nina:
-Sen. Risa Hontiveros
-Sen. Loren Legarda
-Sen. JV Ejercito
-Sen. Raffy Tulfo
-Sen. Mark Villar
-Sen. Ping Lacson
-Sen. Lito Lapid
Samantala, ang limang senador na kukumpleto sa senate contingent ay mula naman sa minorya:
-Sen. Joel Villanueva
-Sen. Bong Go
-Sen. Rodante Marcoleta
-Sen. Imee Marcos
-Sen. Jinggoy Estrada
Dagdag pa rito ay pinangalanan na rin ang iba pang mga senador na tatayong mga bagong Chairperson ng mga komite:
-Sen. Camille Villar, Committee on Economic Affairs
-Sen. Lito Lapid, Committee on Cooperatives
-Sen. Kiko Pangilinan, Committee on Justice and Human Rights at magiging kinatawan ng Senado sa Judicial Bar Council.









