
Obligasyon ni Vice President Sara Duterte na magpaliwanag sa humahabang listahan ng umano’y mga indibidwal na tumanggap ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP).
Reaksyon ito ng Palasyo sa paglitaw ng mga bagong pangalan tulad nina Fernan Amuy, Amoy Liu at Joug De Asim na tinaguriang team Amoy Asim.
Iba pa ito sa mga pangalan ng chichirya na si Mary Grace Piattos, Pia Piatos-Lim, Renan Piatos, Xiaome Ocho, Jay Kamote, Miggy Mango at ang limang Dodong.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mas mabuting ang bise presidente na aniya ang magsalita sa mga nadiskubreng bagong impormasyon.
Mismong si VP Sara na rin aniya ang nagsabi ng kahalagahan ng transparency, kaya’t nararapat lamang na siya ang manguna sa pagpapaliwanag sa mga isyung ito.
Maraming ulat na rin aniya ang lumalabas tungkol sa mga pekeng resibo na di umano’y inisyu ng OVP.