Nanumpa sa tungkulin ang mga bagong halal na opisyal ng Barangay Senior Citizens Association (BASCA) sa Dagupan City sa isinagawang panunumpa nitong umaga ng Lunes, Enero 26.
Ang mga nanumpang opisyal ay nagmula sa anim na barangay ng lungsod, kabilang ang Barangay Pantal, Tambac, Lasip Grande, Poblacion Oeste, Carael, at Bacayao Norte, bilang bahagi ng pagpapatatag ng organisasyon ng mga senior citizen sa antas ng barangay.
Kasabay ng aktibidad, inimbitahan ang mga senior citizen na lumahok sa isasagawang tatlong araw na medical, surgical, at dental mission sa Enero 30 at 31 at Pebrero 1 sa Dagupan City People’s Astrodome, sa pakikipagtulungan ng isang foundation mula California.
Ang panunumpa at mga kaugnay na aktibidad ay bahagi ng mga programang nakatuon sa pagpapalakas ng serbisyo at kapakanan ng mga nakatatanda sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










