Dinaluhan ito ng mga Barangay Captains ng 65 barangays ng Lungsod ng Cauayan , SK Chairmen; mga Department Heads, Assistant Department Heads; mga uniformed personnel; mga pamilya ng mga kasalukuyan at bagong opisyal ng Lungsod ng Cauayan.
Inumpisahan ang seremonya sa pamamagitan ng awarding of plaque of Recognition sa pangunguna nina City Mayor Bernard Dy at Vice Mayor Bong Dalin; Grand Entrance ng mga newly elected officials; pag-awit ng Philippine National Anthem ng Bamboo iDOL winners at invocation ni Fr. Patrick Pua ng Our Lady of the Pillar Parish Church.
Isinunod naman ang Declaration of Winners ni Atty. Jerbee Cortez, acting election Officer ng COMELEC Cauayan at iprinisenta naman ni Mr. Ricarte Castro, CLGOO ng DILG Cauayan ang mga pangalan ng mga bagong opisyal ng Siyudad.
Pinangunahan ni Isabela Governor Rodito Albano III ang panunumpa ng mga newly elected officials sa pamumuno ni City Mayor Elect Caesar “Jaycee” Dy Jr. at nagbigay naman ng inspirational message si Isabela Vice Governor Faustino “Bojie” Dy III.
Isinunod naman ang inagural address ni Mayor elect Jaycee Dy Jr at sinundan ng panghuling mensahe ni Outgoing City Mayor Bernard Dy.
Samantala, nagsilbing pangunahing pandangal sa inagurasyon si Senator elect Raffy Tulfo kasama ang kanyang maybahay na si Jocelyn Tulfo.