Tiwala ang Palasyo ng Malakanyang na sa lalong madaling panahon ay magtatalaga si Pangulong Rodrigo Duterte ng susunod na pinuno ng Commission on Elections (COMELEC).
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, namimili pa sa ngayon ang pangulo mula sa shortlist.
Sinabi ni Nograles na mayroong vetting process para matiyak na karapat-dapat ang maitatalaga sa pwesto.
Aniya, batid naman ng pangulo ang pangangailangan at urgency na maglagay ng mga bagong opisyal sa komisyon.
Bukod sa chairperson, dalawa pang commissioner ng COMELEC ang kailangang italaga ng pangulo para punuan ang mga bakanteng pwesto.
Sa kasalukuyan, nagsisilbing acting chairperson ng COMELEC si Commissioner Soccoro Inting.
Facebook Comments