Mga bagong opisyal ng SSFI, nanumpa na sa Senado; Heart Evangelista-Escudero, handa na sa bagong tungkulin bilang presidente ng SSFI

Nanumpa na ngayong umaga ang bagong set ng officers ng Senate Spouses Foundation Incorporated (SSFI).

Pinangunahan ni Senate President Chiz Escudero ang oath-taking ng mga bagong opisyal ng SSFI kung saan ang maybahay nito na si Love Marie Ongpauco Escudero o Heart Evangelista ang tumatayong presidente.

Sa acceptance speech ni Heart, sinabi niyang handa na siyang makipagtulungan sa mga kapwa spouses official para tugunan ang mga hamon upang maiangat ang mga kababayan at ang mga komunidad.


Aminado rin si Heart na kinakabahan siya tungkuling iniatang sa kanya dahil hindi niya mundo ang pulitika pero excited siya na makapagbigay ng tulong at pagbabago.

May mga nakalinya na aniya silang proyekto at partikular nilang tututukan ang mga proyekto sa mga kababaihan at kabataan.

Facebook Comments