Mga bagong opisyal sa board of investments ng DTI at freeport area ng Bataan, nanumpa na sa pwesto

Nanumpa sa pwesto sa Malacañang ang dalawa pang opisyal ng gobyerno kahapon.

Batay sa impormasyon mula sa Presidential Communications Office (PCO) ang mga nanumpa sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin ay sina Marjorie Ramos-Samaniego at Mohammed Hussein P. Pangandaman.

Si Samaniego ay itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang governor ng board of investments ng Department of Trade and Industry o DTI.


Habang pinanumpa si Pangandaman bilang administrator ng Authority of the freeport Area of Bataan.

Facebook Comments