Mga Bagong Patrol Car ng PNP Isabela mula sa Kampo Krame, Ipinagkaloob na sa iba’t-ibang bayan!

*Ilagan City, Isabela- *Nasa labingwalong bagong Patrol car na ang naipagkaloob ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) sa iba’t-ibang hanay ng PNP dito sa lalawigan ng Isabela mula sa National Headquarters.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Pol. Senior Superintendent Mariano Rodriguez, ang Provincial Director ng Isabela PPO at hinihintay pa umano nila ang iba pang mga patrol car na ibibigay ng Kampo krame.

Aniya, malaking tulong na umano ito sa pagpapatrolya ng mga kapulisan sa mga lansangan upang mabawasan at maiwasan ang mga krimen na nagaganap dito sa ating lalawigan.


Samantala, nagkaroon umano ng rigodon sa ilang himpilan ng kapulisan dito sa lalawigan ng Isabela dahil rin umano sa mandato ng Regional Head Quarters para sa kanilang assessment.

Facebook Comments