Nagsimula na ngayong Disyembre ang hatching season ng mga itlog ng pawikan sa San Juan, La Union, matapos ang ilang buwang pamamalagi ng mga itlog sa hatchery ng isang non-profit organization sa lalawigan.
Ayon sa mga awtoridad, nasa 6,000 na turtle hatchlings ang kasalukuyang inaalagaan at paunti-unti nang napipisa mula sa first turtle nest.
Matapos ang dalawang buwang incubation period, ang mga hatchlings ay handa nang pakawalan at manirahan sa karagatan. Ilan sa mga pakakawalan ngayong buwan ay mula sa mga itlog na nasalba noong kasagsagan ng Bagyong Kristine.
Ngayong Disyembre, naitala ang pinakamataas na bilang ng mga itlog ng pawikan, na umabot sa 150 eggs, na isang magandang indikasyon ng patuloy na pagdami ng mga pawikan sa Region 1.
Pinapalakas ng samahan ang kanilang kampanya ukol sa pangangalaga ng mga pawikan, at hinihikayat nila ang publiko na makipagtulungan sa pamamagitan ng pag-report sa kanilang tanggapan sakaling makakita ng nangingitlog na pawikan. Layunin nitong mapanatili at mapalaganap ang mga programa ukol sa conservation ng mga endangered na pawikan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨