Mga bagong plaka, ipapamahagi na ngayong araw

Manila, Philippines – Ipapamahagi na ng Land Transportation Office o LTO ngayong araw ang mga bagong plaka.

Ayon kay LTO NCR Regional Director Atty. Clarence Guinto, sakop nito ang mga nagparehistro mula Hulyo hanggang Disyembre 2016.

Hindi naman muna aniya mabibigyan ng plaka ang mga nagparehistro noong 2014, 2015, at 2017.


Sa datus ng LTO, mula 2014 hanggang hunyo 2018 ay nasa 4.1 million ang mga sasakyang wala pang plaka sa buong bansa habang 5.8 million naman ang sa mga motorsiklo.

Matatandaang nagsimula ang backlog sa mga plaka nang kwestyunin ng Commission on Audit o COA ang kontrata ng LTO noong 2013 na nagkakahalaga ng P3.8 billion kaya ipinatigil ang distribusyon noong 2015 at 2016.

Dahil dito, kumuha ng bagong kontrata ang LTO noong 2017 na nagkakahalaga ng isang bilyong piso kung saan sakop nito ang mga nagparehistro noong July 2016.

Samantala nakabinbin pa rin sa Kamara ang magiging disenyo ng plaka ng mga motorsiklo.

Facebook Comments