Mga bagong plaka ng mga sasakyan, hindi gawa sa metal – LTO

Manila, Philippines – Hindi gawa sa metal ang mga bagong plakang ikakabit sa harap ng mga sasakyan.

Ayon kay Land Transportation Office (LTO) Assistant Secretary Edgar Galvante – hindi metal ang gagamitin nilang materyal sa paggawa ng plaka.

Aniya, walang probisyon sa Republic Act 11235 o Motorcycle Crime Prevention Act of 2017 ang nag-aatas na dapat gawa sa metal ang mga bagong lisensyadong plaka.


Pero dapat ang plaka ay matibay at nakikita sa layong 15 metro.

Ikinukunsidera rin ng LTO na gawa sa conduction sticker material ang mga bagong plaka.

Nabatid na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong March 8 ang batas na minamandato ang mga motorcycle rider na magkaroon ng malaki at color-coded na plaka sa harap at likod ng motorsiklo.

Samantala, bukas naman ang Department of Transportation (DOTr) sa mga suhestyon para sa disensyo ng mga bagong motorcycle plates.

Facebook Comments