MGA BAGONG PROGRAMA KONTRA PANG AABUSO SA DROGA AT PEACE AND ORDER SA BINALONAN, PINAGTITIBAY

Pinagtitibay pa ng lokal na pamahalaan ng Binalonan ang mga aktibidad at programang may kinalaman sa kaayusan at pagpapataas pa ng kalidad ng peace and order sa kanilang nasasakupan.
Sa ginanap na pagpupulong kasama ang Municipal Development Council, Municipal Peace and Order Council (MPOC), at Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC), tinalay ang ilang mga aktibidad at programa kontra pang aabuso sa droga at maging pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang bayan.
Seryosong tinututukan ngayon ng lokal na pamahalaan ang seguridad at kapakanan ng bawat mamamayan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan at kooperasyon ng bawat departamento at ahensya ng kanilang bayan.

Samantala, kasama rin sa pagpupulong ang alkalde ng bayan katuwang ang mga konsehal ng Sangguniang Bayan, at mga lokal na opisyal ng bawat Barangay. |ifmnews
Facebook Comments