Mga bagong promote na heneral ng PNP, muling pinaaalahanan ni PBBM na pairalin ang zero tolerance policy

Kinakailangang pairalin ang zero tolerance policy para korapsyon at pangaabuso sa karapatang pantao.

Ito ang paalala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang talumpati sa ginawang panunumpa ng mga bagong promote na heneral ng Philippine National Police (PNP) sa Malacañang kaninang umaga.

Ayon sa pangulo, mahalagang pairalin ang zero tolerance policy upang magkaroon ng positibong pagbabago sa pambansang pulisya at epektibong law enforcement nang sa ganun ay maibalik ang tiwala at respeto ng mga Pilipino sa police force.


Giit ng pangulo walang puwang sa hanay ng PNP ang korapsyon, pangaabuso sa kapangyarihan, katiwaliaan at iba pang iligal na gawain.

Kaya ayon sa pangulo bilang mga opisyal ng PNP ay responsibilidad ng mga ito na maipatupad sa lahat ng PNP personal na mapanatili ang mataas na standard ng ethics, professionalism at respeto sa karapatang pantao.

Inaasahan ng pangulo na mgiging mabuting huwaran ang mga bagong promote na heneral sa kanilang mga miyembro sa PNP.

Tiniyak naman ng pangulo ang suporta ng national government sa PNP para patuloy na maisulong ang modernisasyon para magkaroon ng progresibo at masaganang Pilipinas.

Facebook Comments