Friday, February 27, 2026

MGA BAGONG RESCUE VEHICLES SA ALAMINOS CITY, BAHAGI NG PINAIGTING NA DISASTER RESPONSE SA MGA BARANGAY

Mas pinaigting ang kahandaan sa sakuna ng ilang barangay sa Lungsod ng Alaminos matapos basbasan sa Saint Joseph Cathedral Parish Church ang mga bagong bangka, tangkal, at motor na magsisilbing pangunahing kagamitan sa rescue operations.

Ang mga nasabing kagamitan ay ipinamahagi sa Barangay Palamis, Barangay Pangapisan, Barangay Polo, at Barangay Bued bilang bahagi ng pagpapalakas ng community-based disaster response. Layunin nitong mabigyan ang mga frontliner sa barangay ng sapat na kagamitan upang agad na makaresponde sa mga insidente tulad ng pagbaha, bagyo, at iba pang emergency.

Sa pangunguna ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, patuloy ang pagsasagawa ng mga hakbang na nakatuon sa paghahanda bago pa man tumama ang kalamidad. Kabilang dito ang paglalaan ng rescue assets, pagsasanay sa mga volunteer responders, at pagpapatibay ng koordinasyon sa pagitan ng lungsod at mga barangay.

Sa pamamagitan ng mga inisyatibong ito, higit na napapalakas ang kakayahan ng komunidad na pangalagaan ang buhay at ari-arian ng mga mamamayan sa oras ng sakuna.

Facebook Comments