Mga bagong sasakyan ng PNP na nagkakahalaga ng ₱800 milyon, sisimulan nang gamitin

Pinasinayaan na kahapon ang ₱800 milyong halaga ng mga bagong sasakyan ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, ang mga bagong sasakyang ay binubuo ng 10 utility trucks, 13 shuttle buses, 90 4-wheel drive troop carriers at 127 police patrol vehicles.

Ang mga bagong sasakyang ito binili ay bamit ang pondong nakalaan para sa Capability Enhancement Program 2021 ng PNP.


Paliwanag naman ni PNP Acting Director for Logistics, Police Brigadier General Ronaldo Olay, ang mga utility truck ay ipapamahagi sa limang Area Police Offices sa North Luzon, Southern Luzon, Visayas, Eastern Mindanao at Western Mindanao.

Habang ang 13 shuttle buses ay ipapamahagi sa police regional offices at PNP Academy.

Ang 90 4×4 troop carriers naman ay ibibigay sa mga police mobile forces at municipal police stations sa mga bulubunduking lugar at ang 127 patrol vehicles at para sa iba’t ibang police stations.

Facebook Comments