Thursday, February 12, 2026

Mga bagong sasakyan para sa pagpapaigting ng kampanya kontra kriminalidad, tinanggap ng PNP

Tinanggap ng Philippine National Police ang mga bagong sasakyan na donasyon mula sa isang pribadong kumpanya sa isinagawang deed of donation with acceptance and turnover ceremony ngayong umaga.

Kabilang dito ang 30 units ng motorsiklo at 2 rapid response boats para sa PNP Maritime Group.

Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang nasabing mga sasakyan ay gagamitin para sa patuloy na pagsugpo ng iba’t ibang krimen kagaya ng laganap na smuggled na mga sigarilyo.

Dagdag pa ni Nartatez, mayroon o walang donasyon ay pangako ng Pambansang Pulisya na sugpuin ang nasabing ilegal na aktibidad.

Facebook Comments