Mga bagong signaling equipment rooms sa tatlong istasyon ng MRT-3, maayos nang nagagamit ayon sa DOTr

Inihayag ngayon ng Department of Transportation (DOTr) na maayos nang nagagamit ng pamunuan ng MRT-3 ang tatlong bagong signaling equipment rooms na nasa mga istasyon ng North Avenue, Shaw Boulevard at Taft Avenue.

Ayon sa DOTr, itinayo ang mga bagong signaling equipment rooms upang ma-accommodate ang upgraded signaling equipment ng MRT-3.

Paliwanag ng DOTr na mula noong Oktubre 24, unang ginamit ang bagong signaling system at isinailalim sa mahigpit na monitoring hanggang sa katapusan ng buwan.


Sa bagong signaling system, binigyan ng full upgrade ang mga hardware component gayundin ang software tulad ng pagpapalit ng mga bagong signal light, point machines, track circuits, interlocking equipment at bagong object controllers.

Pinalitan din ang mga copper cables sa mainline ng modernong fiber optic cables.

Kritikal ang lahat ng mga component na ito sa maayos na operasyon at ligtas na pagbiyahe ng mga tren.

Ang upgrading ng signaling system ng MRT-3 ay bahagi pa rin ng malawakang rehabilitasyon ng linya.

Facebook Comments