Cauayan City, Isabela- Pormal nang pinasinayaan ang mga bagong gawang silid-aralan na itinayo ng 5th Infantry Division ng Phil. Army, Local Government Units ng Sto. Nino at Rizal, at ng Kapuso Foundation.
Pinangunahan ni MGen. Laurence E. Mina, Commanding General ng 5th ID ang pag turn-over sa dalawang bagong three-classroom building sa pamunuan ng Calassitan at Abariongan Uneg Elementary School sa bayan ng Sto. Niño at Bural Integrated School sa bayan ng Rizal, Cagayan.
Masaya naman itong tinanggap ng mga guro, magulang at mga opisyal ng bayan ng Rizal at Sto. Niño ang handog na mga bagong tayong silid-aralan para sa mga mag-aaral.
Lubos naman ang pasasalamat at papuri ni Dr. Lauro Daquioag, DEPED District Supervisor, sa mga ahensyang tumulong at nagbigay sa kanila ng nasabing mga silid-aralan.
Magugunita na ang mga barangay Calassitan at Abariongan sa bayan ng Sto. Nino at Barangay Bural naman sa Zinundungan Valley sa bayan ng Rizal ay mga tinaguriang CPP-NPA-infested barangays na ngayon ay mga CTG-cleared areas na dahil sa mga programang ibinaba ng pamahalaan.