MGA BAGONG SUNDALO, NAGTAPOS NGAYONG ARAW!

Cuayan City, Isabela*– Umabot 317 na bagong sundalo ng 5th Star Infantry Division Philippine Army sa Upi Gamu,Isabela ang nagtapos kanina. (Oct. 18,2019)

Ang mga bagong sundalo na kasali sa ALIBTAK class of 2019 na magtatapos sa araw na ito ay dumaan sa apat na buwang masusing pagsasanay kaugnay sa Jungle-Warfare-Mountain-Operations course (JWMOC), isang uri ng training na nagtuturo sa mga sundalo upang maging bihasang mandirigma.

Agad namang ipapadala sa kani-kanilang destinasyonng mga bagong miyembro ng 5th ID Philippine Army pagkatapos ng graduation bilang karagdagang pwersa ng militar sa pagsasaayos sa katahimikan ng bansa.


Samantala, kinumpirma ni Army Major Noriel Tayaban, Division Public Affairs Office Chief ng 5th ID na walo sa mga trainees ang nag quit habang nas kasagsagan ng kanilang training. Gayumpaman, nilinaw ni Maj. Tayaban na pangungulila sa pamilya at mahal sa buhay ang dahilan ng pag urong sa training at hindi ang paglabag sa code of conduct.

Inaasahan 5th Star Infantry Division na magiging tulay sa kapayapaan ang mga bagong sundalo.

 

 

Facebook Comments