Mga Bagong Talagang Opisyal Ng Gobyerno, Binalaan Ni Pangulong Duterte

7

MANILA – Pinaalalahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bagong talagang opisyal ng gobyerno na walang puwang ang kurapsyon sa kanyang administrasyon.Kahapon, pinangunahan ng pangulo sa malakanyang ang oath taking ng mga bagong talagang opisyal.Sa kanyang talumpati, hiniling ng pangulo sa mga ito na bilisan ang kanilang serbisyo para sa taumbayan.Dagdag pa ng pangulo – walang malakas sa kanya pagdating sa katiwalian.Inihalimbawa pa nito ang dalawang fraternity brothers sa Bureau of Immigration na kanyang sinibak sa pwesto kasunod ng pagkakasangkot sa katiwalian.Matatandaan, sinipa sa pwesto sina Commissioners Michael Robles at Al Argosino matapos masangkot sa isyu ng panunuhol sa negosyanteng si Jack Lam.Sina Robles at Argosino ay kapwa kasamahan ni Duterte sa Lex Talionis Fraternity.

Facebook Comments