Mahalagang dumaan muna sa pagsusuri ng Food and Drug Administration (FDA) ang anumang bagong tuklas na gamot at teknolohiya, maging mga bakuna.
Ito ang iginiit ni Health Asec Albert Domingo sa gitna ng mga paglutang ng mga tugon sa iba’t ibang sakit kabilang na ang umanoy bakuna sa Europe kontra kanser sa baga.
Sinabi ni Domingo na itinatakda ng batas na dumaan sa pag-aaral ng FDA ang mga bagong gamot na lunas o teknolohiya.
Ito’y para matiyak na epektibo ito at ligtas gamitin ng tao lalo na ang mga may karamdaman.
Kapag nasiguro aniya ang bisa at kaligtasan ay saka ito mapapasama sa mga plano ng DOH sa pagtugon sa mga banta sa kalusugan.
Facebook Comments