Mga bagong virus na posibleng makapasok sa bansa, mahigpit na tinututukan ng DOH

Mahigpit na tinututukan Department of Health (DOH) ang mga bagong virus o sakit na maaaring makapasok sa bansa, kasunod ng outbreak ng Nipah virus sa Kerala, India.

Ayon sa DOH, noong 2014 nagkaroon na rin ng isang kaso ng Hipah virus infection sa Pilipinas na natukoy sa Sultan Kudarat.

Batay sa imbestigasyon, nakuha ang sintomas matapos magkaroon ng exposure sa karne ng kabayo.


Tinatayang nasa 17 suspect cases ang natukoy, kung saan 8 sa kanila ang gumaling habang 9 ang nasawi.

Kabilang sa mga naramdamang sintomas ng tinamaan ng sakit ay lagnat, pananakit ng ulo, ubo, at hirap sa paghinga.

Pero ayon sa DOH hanggang ngayon ay wala na ulit natukoy na kaso ng Nipa virus sa Pilipinas batay na rin sa monitoring ng kanilang epidemiology bureau.

Para makaiwas sa virus na ito, payo ng DOH, regular na maghugas ng kamay gamit ang malinis na tubig at sabon, iwasan ang contact sa may sakit na paniki o baboy, at mga lugar na puntahan ng mga paniki,

Iwasan ding kumain o uminom ng mga produktong posibleng kontaminado ng fruit bats gaya ng raw date palm sap, raw fruit, o mga laglag na prutas at iwasan ang contact sa dugo o body fluids ng taong infected ng virus.

Facebook Comments