Mga baguhang senador, pinagbabasa ng libro

Manila, Philippines – Inirekomenda ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon sa mga baguhang senador sasabak sa 18th Congress na magbasa ng libro sa halip na sumailalim sa seminar o training.

Ayon kay Biazon, makabubuti para sa first time legislators ang pagbabasa ng konstitusyon at ang librong “Robert’s Rules of Order” na nagsisilbing gabay sa pagsasagawa ng pagpupulong at pagdedesisyon bilang isang grupo.

Kung magaling aniyang umunawa ang isang indibidwal ay sapat na itong preparasyon sa pagbubukas ng susunod na Kongreso.


Pinuna rin ng mambabatas ang paggamit sa inihahaing panukalang batas o resolusyon bilang scorecard para sa mga mambabatas at iginiit na hindi lamang dito nasusukat ang kanilang performance.

Maaari aniyang silipin rin ang partisipasyon sa bawat deliberasyon dahil may mga legislators na kakaunti ang nagagawang batas subalit mahusay naman sa interpelasyon, debate at introduction of amendments.

 

Facebook Comments