Kinumpleto na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamamahagi ng natitirang parte ng lupa sa Hacienda Luisita sa Tarlac sa ilalim ng Agrarian Reform Program.
Sa 31st Anniversary ng Comprehensive Agrarian Reform Program sa Quezon City, pinangunahan ng pangulo ang pamamahagi ng higit 87,000 ektarya ng agricultural land, kabilang ang naitirang 112 ektarya ng Hacienda na pagmamay-ari ng pamilya ni dating Pangulong Cory Aquino.
Iginiit ng Pangulong Duterte, maiiwasan sana ang nangyaring karahasan sa Hacienda Luisita dati kung isinama sana ang Sugar Plantation sa Land Distribution Program.
Nilinaw naman ng pangulo, na wala siyang “masamang tinapay” sa pamilya Aquino.
Binanggit ni Pangulong Duterte na sinuportahan ng kanynag pamilya ang political career ni dating Pangulong Cory at kanyang anak na si dating Pangulong Noynoy Aquino.
Matatandaang si dating Pangulong Cory ang nagtalaga kay Pangulong Duterte bilang O-I-C Vice Mayor ng Davao City noong 1986.