Mga bahay nasunog matapos magkasagupa ang mga Kumander ng MNLF at MILF sa Guindulungan

Apat na kabahayan ang nasunog matapos na muling magkaengkwentro ang grupo ng Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front sa Sitio Balas, Brgy. Muti Guindulungan

Sinasabing mga grupo ni Kumander Baba ng MNLF at Kumander Marlboro ng MILF ang nakasagupa sa naging panayam ng DXMY kay Col. Edgardo Vilchez Jr, spokesperson ng Joint Task Force Central.

Unang nagkaengkwentro ang mga armado noong May 14 at nasundan pa noong May 15. Isang MILF combatant ang namatay.


Maaring awayan sa lupa ang ugat dahilan ng sagupaan ayon sa militar. Bagaman humupa na ang tensyon, ilang pamilya naman patuloy na apektado.
Nagkaroon na rin ng inisyatiba ang lokal na pamahalaan kasama ang mga opisyales ng PNP, AFP maging ang mga opisyales ng dalawang Moro Fronts para maayos na ang sitwasyon.
Guindulungan PIC

Facebook Comments