Mga bakanteng pwesto sa gabinete, tulad ng OPS kasama sa transition at rightsizing program ng gobyerno

Nasa proseso pa ng transition at rightsizing program ang gobyerno.

Ito ang sagot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa tanong kung bakit wala pa rin itong itinatalagang fulltime secretary ng Office of the Press Secretary o OPS.

Sa ngayon tanging officer-in-charge (OIC) pa lamang ang itinalaga ng pangulo sa OPS sa katauhan ni Usec. Cheloy Garafil.


Paliwanag ng pangulo, bahagi ng rightsizing program ang bagay na ito at sa tamang oras ay maso-solidify rin naman ang mga posisyong ito.

Bukod sa OPS, bakante pa rin ang Department of Health (DOH), kung saan tumatayo bilang OIC si Usec. Maria Rosario Vergeire.

Nadagdag din sa bakanteng pwesto ang Commission on Audit (COA) matapos magbitiw sa pwesto si dating COA Chairman Jose Calida dahil sa health reason.

Facebook Comments