Dahil tapos na ang mahaba-habang bakasyon nitong nakalipas na Mahal na Araw, pauwi na sa kani-kanilang mga destinasyon ang mga bakasyunistang umuwi sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa naging panayam ng iFM Dagupan sa mga dispatcher ng iba’t ibang bus terminals sa lungsod ay nakahanda pa rin ang mga ito sa dagsa ng tao pabalik kung saan kanila ng inaasahan ang ganitong sitwasyon at hindi na umano bago sa kanila ang ganitong mga pangyayari.
Ayon pa sa mga ito, huwag umano mag-alala ang mga pasahero dahil sapat ang kanilang mga bus na bumabiyahe upang bigyan ang mga pasahero ng serbisyo makarating lang sa kanilang mga destinasyon.
Samantala, paalala ng pamunuan ng mga bus terminals sa lungsod na agahan na ang pagkuha ng mga tickets upang hindi na maabala sa terminal dahil hindi naman daw umano pare-parehas ang dagsa ng tao at para hindi na maantala. |ifmnews
Facebook Comments