Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi pa maaaring iturok sa mga bata ang mga bakuna kontra COVID-19.
Ayon sa DOH, ito ay dahil walang pag-aaral ng efficacy ng bakuna sa mga bata.
Sa isinagawa kasing clinical trial sa anti-COVID vaccines, pawang adults lamang ang isinailalim dito.
Tiniyak naman ng DOH na sa mga susunod na taon ay magkakaroon na rin ng anti-COVID vaccines para sa mga bata.
Samantala, nilinaw ng DOH na ang bakunang ituturok sa adult para sa una at ikalawang dose ay kailangang magkapareho ng brand.
Tiniyak naman ng DOH na maayos nilang na-atado o na-allocate ang mga bakuna upang matiyak na magkakaparehong brand ang maituturok sa una at ikalawang dose.
Facebook Comments