Mga bakuna kontra Dengue na bibilhin ng Pilipinas sa ibang bansa, daraan sa proseso

Sinimulan na ng Department of Health (DOH) ang pag-aaral sa Dengue vaccines na available sa ilang bansa.

Tiniyak naman ng DOH na daraan sa proseso ang pagbili ng mga bakuna kontra Dengue.

Kabilang dito ang pag-apply ng manufacturers ng Certificate of Product Registration sa Pilipinas.


Pagkatapos nito ay daraan pa ito sa masusing evaluation.

Ang hakbang ng DOH ay kasunod ng report na tumaas ng 83% ang kaso ng Dengue sa bansa sa taong ito kumpara sa nakalipas na taon.

Facebook Comments