Inaprubahan na ng United Kingdom (UK) ang mga bakuna sa COVID-19 na gawa ng Pfizer na nagmula sa Estados Unidos at BioNTech na mula naman sa Germany.
Ayon sa Medicine and Healthcare products and Regulatory Agency (MHRA), nakatakda itong gamitin para sa mass vaccination sa susunod na linggo.
Tiniyak naman ng UK’s Vaccine Committee na una nilang babakunahan ang mga nasa priority group tulad ng health care home residents, health and care staff at ang mga matatanda.
Sa ngayon, nagsimula nang kumuha ang UK ng halos 40 milyong doses ng nasabing mga bakuna na sasapat sa 20 milyong tao.
Facebook Comments