Mga bakuna na isinasailalim sa clinical trial sa iba’t ibang bansa, umakyat na sa lima

Umakyat na sa lima ang mga bakuna na isinasailalim sa clinical trial sa iba’t ibang bansa.

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Chief Rolando Domingo, isa sa mga ito ang Sinovac ng China na na-endorso na ng vaccine expert panel ng Department of Health (DOH) sa FDA.

Paliwanag pa ni Domigo, ine-evaluate na nila ito ngayon at isinusumite na ang iba pang requirements kaya maaaprubahan na nila ang pagsasagawa ng clinical trial nito sa Pilipinas.


Sa ngayon, kailangan pang dumaan sa ilang proseso ang mga bakuna na dine-develop bago pa ito mapayagang maibigay sa publiko.

Pangunahin kasing concerns ng FDA ay makitang ligtas ang mga bakuna, walang severe side effects at garantisadong magpoprotekta ng mga taong makakatanggap ng bakunang ito.

Samantala posibleng mabigyan na rin ng authorization ng US Food ang Drug Administration para sa emergency use ang COVID-19 vaccines ng Pfizer at Moderna sa mga susunod na linggo.

Ayon kay US Health and Human Services Sec. Alex Azar, posibleng masimulan na rin ang pagbabakuna sa Estados Unidos sa taong 2020 na itinuturing na ligtas at highly effective.

Sa ngayon, magiging available sa mga Amerikano ang nasa 40 million doses ng dalawang bakuna bago pa matapos ang taong 2020.

Facebook Comments