Tiniyak ng Department of Health (DOH) na hindi na mauulit ang insidente kamakailan sa Polilio Island kung saan muntik nang masayang ang mga bakuna kontra COVID-19.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DOH Director Ariel Valencia na sa ngayon bago ang deployment ng mga bakuna lalo na sa mga malalayong lugar sa bansa ay mayroon itong proper coordination.
Ayon kay Valencia, maliban sa mga tauhan ng PNP, magpapatulong na rin sila sa Philippine Coast Guard (PCG) lalo na kapag ibibiyahe sa dagat ang mga bakuna.
Sinabi ni Director Valencia na properly packed ang mga bakuna at makaraan ang insidente ay naihatid naman ng ligtas ang mga ito dahil na rin sa ipinakitang heroic actions ng mga medical health workers na sumiguro na hindi makokompromiso ang kaligtasan ng mga anti-COVID-19 vaccines.