Tiniyak ng isang infectious disease specialist sa publiko na ang lahat ng COVID-19 vaccines na mayroon ang Pilipinas ay nananatiling epektibo laban sa mas nakakahawang Delta variant.
Batay sa mga pag-aaral ang Delta variant (B.1.617.2) na unang na-detect sa India ay 60% na mas nakakahawa kumpara sa Alpha variant (B.1.1.1.7) na unang naiulat sa United Kingdom (UK).
Ayon kay Dr. Karl Henson ng Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases, dapat mabakunahan ang mga Pilipino laban sa virus sa lalong madaling panahon.
Nakakatulong mga bakuna para protektahan ang mga tao mula sa severe infection at kamatayan.
Maaaring kailangan aniya ng mga tao ang booster shots, lalo na at nagsusulputan ang mga bagong variants, pero kailangan may mailabas na ebidensya ukol dito.