Mga bakuna ng Pfizer na pinagdududahan na ang kalidad, ipinadala na sa United Nations

Dadaan sa pagsusuri ng mga eksperto ng UNICEF o United Nations Children’s Fund ang mga bakuna ng Pfizer na nauna nang ipinadala ng national government sa Muntinlupa City.

Kasunod ito ng natuklasan na pagbabago sa temperatura sa imbakan ng mga bakuna sa Festival Mall vaccination site na posibleng nakaapekto sa kalidad ng bakuna.

Ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, may koordinasyon sila sa UNICEF sa resulta ng pagsusuri upang malaman kung magagamit pa ito.


Magugunitang noong nakalipas na linggo, sinuspinde ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa ang pagtuturok ng 2nd dose ng Pfizer matapos na magkaproblema ang storage facility.

Facebook Comments