Mga bakuna sa storage facility sa isang mall sa Muntinlupa City, hindi na magagamit matapos masira ang storage facility

Sinuspinde ng Muntinlupa City government ang pagbabakuna sa Festival Mall Vaccination Site simula ngayong araw, July 15.

Ito ay matapos na magkaroon ng problema at pagbabago sa temperatura ng storage facility sa nasabing mall na maaaring nakaapekto sa kalidad ng bakuna.

Bunga nito, nagdesisyon na rin ang local na pamahalaan ng Muntinlupa na huwag nang gamitin ang mga bakuna na sinasabing Pfizer, naka-imbak sa nasabing mall para matiyak ang kaligtasan ng publiko.


Nakikipag-ugnayan na rin ang vaccination team ng lungsod ng Muntinlupa sa national government para sa kaukulang aksyon.

Facebook Comments