Mga bakuna vs Omicron subvariants, posibleng mailabas sa Setyembre o Oktubre

Inaasahang mailalabas na sa Setyembre o Oktubre ang mga susunod na henerasyon ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Infectious Diseases Expert Dr. Edsel Salvana, inaasahang magbibigay ng mas mataas na proteksyon laban sa mga subvariant ng Omicron ang tinatawag na bivalent vaccines.

Ito ay gawa sa lumang sangkap ng mga naunang bakuna kontra COVID-19 na hinaluan ng mga variant ng Omicron.


Lumalabas naman sa mga pag-aaral na kung gagamitin itong booster dose ay nasa limang beses ang bisa nito laban sa Omicron.

Facebook Comments